Jake: Ipinaalala sa akin ni Angeline kung saan ako galing!

angeline quinto at jake cuenca

WORKING with Angeline Quinto is a breath of fresh air for Jake Cuenca. Marami kasi siyang natutunan sa dalaga.

“Actually, ano, ang isang nakuha ko kay Angeline sa proseso ng movie ay in a way mas naging grounded ako noong makatrabaho ko siya kasi siguro nag-aral ako sa States tapos ‘yung last girlfriend ko ay hindi tagarito so parang for a while ay naging foreign ang pag-iisip ko which is wala namang mali doon.

“Parang working and seeing Angeline on the set, parang it reminded me of my roots, kung saan ako nagsimula, dito, kung ano talaga ako, Pinoy.

“‘Yun ang isang magandang bagay na nakuha ko sa buong experience na pagtrabaho ko with Angeline,” chika ni Jake sa presscon ng “Foolish Love” ng Regal Entertainment.

“Music pa lang, pinapatugtog niya OPM lahat. Hindi ako nakikinig sa OPM until nakatrabaho ko siya. So parang ang buong experience na ‘yung parang ni-remind ako to keep myself grounded kung saan ako nanggaling which is here,” he added.

Does this mean na balik na siya sa panliligaw sa Pinay? Jake is non-committal as, “Ako kasi wala akong specific type. Kung magustuhan ko, magustuhan ko talaga.”

Showing na ang “Foolish Love” sa Jan. 25, and this is directed by Joel Lamangan under Regal Entertainment. Also in the movie are Miho Nishida and Tommy Esguerra of Pinoy Big Brother.

Read more...