Tatlong hinihinalang drug pusher ang patay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan Huwebes ng gabi at Biyernes ng umaga.
Napatay ang suspek na nakilala sa alyas na “Edor” sa operasyong isinagawa sa NIA Road, Brgy. Bangkal, Malolos City, dakong alas-3:30 ng umaga kahapon, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.
Una dito, isang pulis ang “bumili” ng marijuana kay “Edor” at nang magpakilala bilangalagad ng batas ay pinaputukan ng suspek.
Dahil dito’y gumanti ng putok ang iba pang operatiba ng pulisya at napatay si “Edor.”
Nakuhaan ang suspek ng isang revolver na may dalawa pang bala at dalawang basyo, at isang backpack na may dalawang brick ng hinihinalang marijuana, isang bungkos ng marijuana na nabili sa buy-bust at ang P500 marked money.
Dakong alas-9 naman ng gabi Huwebes, napatay ang isang alyas “Tipak” at ang di pa kilalang kasamahan nito sa operasyon sa San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose De Monte City.
Dadakpin na ng mga operatiba sina “Tipak” nang bigla sila umanong paputukan ng mga suspek.
Dahil dito’y gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang mga hinihinalang tulak.
Nakuhaan ang mga suspek ng isang kalibre-.38 revolver, improvised handgun, siyam na sachet ng hinihinalang shabu, anim pang sachet na may shabu residue, at drug paraphernalia.
MOST READ
LATEST STORIES