Japanese PM Abe nag-almusal sa bahay ni Duterte sa Davao City

durian

Japanese PM Abe at Mrs. Abe habang kumakain ng durian sa Davao City.

NAG-ALMUSAL  si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa bahay ni Pangulong Duterte sa Davao City sa pangalawang araw ng kanyang official visit sa Pilipinas.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na kabilang sa inalmusal ni Abe ang biko, suman, kutsinta at mongo soup.

Idinagdag ni Go na umabot ng 45 minuto ang pag-aalmusal ni Abe, kung saan kasama rin si Mrs. Abe.

Inimbitahan din ni Duterte si Abe sa kanyang kuwarto.

Umakyat kami, apat lamang sa room ni President Duterte, mga 10 minutes kami sa room,” ayon pa kay Go.

Si Abe ang kauna-unahang pinuno ng ibang bansa na inimbitahan ni Duterte sa kanyang bahay.

Samantala, kumain naman si Abe at kanyang misis ng durian matapos ang eagle naming ceremony sa Waterfront Hotel sa Lanang, kung saan nag-adopt ang Prime Minister ng isang Philippine eagle.

READ NEXT
The Paralytic
Read more...