Pakakasalan na ba ng boyfriend ngayong 2017? (2)

Sulat mula kay Raquel ng Anao, Mexico, Pampanga
Problema:

1. May pangako po sa akin ang boyfriend ko na ngayong taon daw pong ito kami magpapakasal. Isisnilang po ako noong April 1, 1987 at August 16, 1986 naman po ang boyfriend ko na nasa abroad. Uuwi raw po siya at pagkatapos ay mag-aayos na kami ng mga papeles.
2. Itatanong ko lang po kung tototohanin niya ang kanyang pangako at kung kami na talaga ang magkakatuluyan. Sa ngayon po kasi ay tatlong taon na ang relasyon namin at nagsimula ito noong nandito pa siya sa Plipinas.
Umaasa,
Raquel ng Mexico, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) at Leo naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo. Ang Leo at Aries ay kapwa nagtataglay ng iisang elemento – ang apoy o fire. Dahil dito, malaki ang tiyansa na papakasalan ka niya upang pagkatapos ay habambuhay na kayong magsasama.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay malakas na numero kaya para makasal kayo ng boyfriend mo, wala kang dapat gawin kundi pilitin siya. Ang birth date niyang 16 ay mahinang numero, pero sa totoo lang, pilitin mo man siya o hindi ay wala namang duda—makakasal din kayo at panghabambuhay nang magsasama at magiging maligaya.
Luscher Color Test:
Upang maging successful at maligaya ang papasukin ninyong pag-aasawa, lagi kayong gumamit at magsuot ng kulay na berde at dilaw.

Huling payo at paalala:
Raquel, ayon sa iyong kapalaran, kahit sa kasalukuyan ay nagdadalawang-isip pa ang boyfriend mo, sa bandang huli ay wala na rin naman siyang magagawa sa nakatakda na. Sa Oktubre o Disyembre ng taong ito ay matutupad na ang iyong pangarap— isang engrade at marangyang kasalan ang magaganap na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Read more...