Horoscope, January 13, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2017 ay hindi dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa pinansyal, bago maglabas ng salapi, isipin munang mabuti. Sa pag-ibig, may sopresang kaligayahang mararanasan. Mapalad ang 1, 19, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Yellow at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ay ibigay ang the-best sa anumang ginagawa at makikita mo, may malaking gantimpalang nakalaan. Sa pinansiyal, tataas ang kita, at sa pag-ibig, lalong mas magiging maligaya ang relasyon habang patuloy sa paglamig ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bisvivit-Quivit-Om.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2017 ay tiwala sa sarili ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, sapat na ang iyong ganda upang manatiling tapat ang kasuyo, wag ma-insecure. Mapalad ang 6, 15, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong ito ng 2017 ay huwag sayangin ang bawat araw sa walang kapararakang gawain. Iwasan ang madalas na page-FB, sa halip ang mas dapat na atupagin ay ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, now na yayain ang kasuyo sa malamig at tahimik na lugar. Mapalad ang 5, 14, 14, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong itoay simulan ang pagbabagong-buhay. Sa pinansyal, kailangang magtipid upang dumami uli ang savings. Panahon na upang sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Mapalad ang 2, 7, 20, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum-Om.” Green at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Makuntento ka na sa kasalukuyang sitwasyon. Sa pinansyal, huwag nang maghangad ng gadget na hindi naman kayang bilhin. Sa pag-ibig, upang wag magkasala ay pagtiyagaan ang kasuyong hindi mahusay rumomansa. Mapalad ang 1, 9, 16, 23, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Credo-Intelligam-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ay hindi dapat makuntento sa kasalukuyang buhay. Mangarap ka nang mas malaking ambisyon upang magkaroon ka rin ng malaking achievement. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo na simulan na ang pagpapayaman. Mapalad ang 5, 14, 28, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Silver at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ay sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, intuition din ang paganahin upang lumigaya at lalo pang sumarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel-Zazel-Om.” Magenta at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito, iwasan ang maluhong pag-gasta! Sa pinansyal, napakahirap na karansan ang walang kapera-pera. Sa pag-ibig, simpleng pakikipag-date na lang muna ang iplano para sa minamahal. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vindentur-Posse-Aum.” Lilac at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito daranasin mo ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Saidin mo nang lubos ang maikling buhay sa mundong ito. Sa pag-ibig, habang kasama ang kasuyo magpakasarap na kayong dalawa dahil ang lahat ng bagay ay kusa at dagli rin namang lilipas. Mapalad ang 3, 15, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Old rose at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, upang pumasok ang maraming pera, laging maging mahinahon. Sa pag-ibig, laging unawain at pagpasensiyahan ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 7, 16, 22, 26, 32, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ay sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, kung puso at kutob ang paiiralin malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, huwag sumunod sa isip dahil sa taong ito ang tibok ng puso ang magtuturo sa iyo upang lumigaya. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Gold at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ay mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Kung marami kang iniisip, malabo kang magtagumpay. Sa pag-ibig, ganoon din ang gawin, ibuhos ang todong pagmamahal sa pamilya. Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at yellow ang buenas.

Read more...