TULAD ng love, nag-risk din si Bea Alonzo sa kanyang career.
“Sa career ko I accepted projects na hindi ko alam kung saan ako dadalhin nu’ng panahon na ‘yun. Kahit ‘yung pag-aartista, ‘yung pagpili lang na mag-aartista ako. Nu’ng panahon na ‘yun, hindi ko alam kung may pupuntahan ba ‘tong ginagawa ko.
“At hindi naman kami mayaman, so talagang nag-aaksaya ako nu’ng panahon na ‘yun ng effort, ng panahon ng pamilya ko, ng pera na dapat nilalagay namin sa ibang bagay,” say pa ng bida ng A Love To Last sa interview niya kay Boy Abunda recently.
About love, inamin ng dalaga na nag-risk din siya and said, “Lahat siguro sa pagmamahal.”
Watched the initial episode of A Love To Last. Kuhang-kuha ni Bea ang Batangueño accent ng kanyang character na Andeng. The pilot episode showed Andrea’s family’s excitement dahil pakakasal na ito sa kanyang boyfriend (Jerold Francisco) played by Victor Silayan.
Swak na swak din si Ian Veneracion sa kanyang role bilang rich married guy na super magmahal sa kanyang mga anak na later on mai-involve kay Bea.