Anak ni Bistek binu-bully sa iskul: Hinahayaan ko na lang po pero kapag sinaktan nila ako…!

HARVEY AT HERBERT BAUTISTA

HARVEY AT HERBERT BAUTISTA

MAGALANG na kausap si Harvey Bautista, ang anak nina pareng Mayor Herbert Bautista at mareng Tates Gana.

Nagulat nga kami dahil bigla itong naging binatilyo mula sa last meeting namin noong nasa Goin Bulilit pa siya.

“Mabilis talaga ang panahon. Kita ninyo naman, stage father na ako ngayon. Mas ako pa ang kabado kesa sa anak ko,” sey ni Mayor Bistek nu’ng humarap ito sa amin sa kanyang taunang salu-salu para sa mga media friends na may birthday ng January, February at March.

Bida si Harvey sa “Ilawod”, ang horror flick under direk Dan Villegas kung saan kasama niya sina Iza Calzado at Ian Veneracion.

“Hindi ko po alam. Siguro po may nakita sila sa akin,” sagot ng 13-year old na aktor sa pagkakapili sa kanya bilang lead role sa movie.

Graduate na sa Goin Bulilit ang bagets na nag-aaral on a regular school. Ngayon nga raw niya nararanasan ang pagiging anak ng isang kilalang personalidad dahil may mga “bullies” sa school niya na gusto siyang biktimahin.

“Pero hinahayaan ko na lang po. Mas masaya kasi silang tingnan o panoorin kapag hindi nagtatagumpay sa balak nila sa yo. My dad just tells me to ignore them but if I get hurt, ibang usapan na ‘yun,” sagot pa ni Harvey na umaming namana niya sa ama ang pagkakaroon ng bilog na mukha at sense of humor.

Paglalarawan niya sa ama, “Very cool pero matatakot ka. He is very fair sa mga anak niya at very supportive sa aming lahat.”
Huhusgahan ang pagiging batang aktor ni Harvey sa “Ilawod” na malapit nang ipalabas.

Read more...