NAWINDANG pala si direk Joel Lamangan nang kunan niya ang rambulan sa kama nina Jake Cuenca at Angeline Quinto para sa movie nilang “Foolish Love.”
Kasi naman, sigaw siya nang sigaw ng cut pero wari’y bingi ang dalawa sa boses ng premyadong director. Nahimasmasan lang ang dalawa nang lapitan sila ng assistant director upang sabihing cut na ang ginagawa nila.
Eh, may chika kasing nagkaroon pala ng short romance noon sina Jake at Angeline. That time, hindi pa pumapasok sa eksena si Erik Santos. ‘Yun nga lang, kailangang bigyan ng focus ni Angeline ang career niya so naudlot ang romansa sana nilang ‘yon.
Kaso pinagtambal sila ng Regal sa “Foolish Love”. Hayun at muling nagningning ang mata ng dalawa dahil puwede na nilang dugtungan ang naudlot nilang romansa, huh!
No wonder, sa kissing scenes, love scenes, at iba pang lambingan sa movie, natural na natural ang ginagawa nina Jake at Ange, huh!
Kasama nina Jake at Angeline ang totoong lovers na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.