Wanted: Bagong sidekick ni Coco sa ‘Ang Probinsyano’?

By Reggee Bonoan January 12,2017
share this

Wanted: Bagong sidekick ni Coco sa ‘Ang Probinsyano’?

By Reggee Bonoan January 12,2017
share this
ARJO  AT COCO MARTIN

ARJO AT COCO MARTIN

SI Pepe Herrera o mas kilala bilang si Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano ang humiling na patayin na ang karakter niya bilang sidekick ni Coco Martin dahil sasamahan niya ang kanyang ina sa New Zealand.

Hindi naman malinaw kung ihahatid ni Pepe o magbabakasyon lang sila sa NZ ng nanay niya dahil kung for good na ay paano na ang naumpisahan niyang showbiz career dito sa Pilipinas?

Sa ginanap na victory party ng super blockbuster movie nina Coco at Vice Ganda na “The Super Parental Guardians” kasama sina Onyok Pineda at Awra Briguela na kumita ng P598 million ay ikinuwento ng una sa ABS-CBN na ang kaibigan niya mismo ang humiling na patayin na siya sa FPJAP.

“Honestly, si Pepe kasi aalis siya papuntang New Zealand kasama iyong mommy niya. And then iyon, nagpaalam nga siya sa amin na kung pupuwede sana i-exit na siya from the show.

“Ang hiniling ko sa kanya noon, sabi ko ‘Benny, bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Hindi ko lang maibibigay sa iyo ngayong December pero sabi ko sa second week of January ay gagawan ko ng magandang kuwento iyong exit mo, gawin nating maayos.'”

Kung si Coco pala ang masusunod ay gusto niyang buhay si Benny hanggang sa pagtatapos ng Ang Probinsyano at posibleng isama pa niya sa paglilibot sa buong Pilipinas dahil nga pugante na si Cardo Dalisay (Coco).

Samantala, hindi lang ang buong Pilipinas ang nalungkot sa pagkamatay ni Benny kundi pati na rin ang TFC subscribers na nanonood ng Ang Probinsyano, apektado rin sila at talagang galit na galit sila kay Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) at sinabing dapat siya na ang isunod na mawala sa serye.

Anyway, kaabang-abang ang mga susunod na episodes ng FPJAP dahil baka makadiskubre si Coco ng bago niyang sidekick.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending