Posibleng may nalabag sa batas ang Social Security System (SSS) sa gagawin nitong pagkolekta ng dagdag na kontribusyon sa mga miyembro nito kapalit ng pagtataas ng pensyon.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate pag-aaralan niya ang kopya ng Board Resolution ng SSS upang kuwestyunin ito sa korte kung sakaling may paglabag na ginawa.
“That is certainly a legal question kaya nais nating makita yung fine prints ng board resolution aaralin natin dahil talagang malinaw na nakasaad naman sa batas na hindi ganun yung proseso,” ani Zarate.
Ayon sa SSS Charter hind maaaring magtaas ng benepisyo ng mga miyembro kung ang pangaggalingan nito ay ang pagtataas sa premium na binabayaran ng miyembro at employer.
“Kung talagang merong bangga ito sa batas mismo sa charter ng Social Security Act of 1997,” dagdag pa ng solon.
Iginiit rin ni Zarate na dapat ay magkaroon ng reporma ang SSS upang makolekta nito ang mga hindi naire-remit na kontribusyon upang mapataas ang koleksyon nito at hindi na kailanganin pang itaas ang premium.
Ganito rin ang pananaw ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na nagsabi na dapat ding bawasan ang malaking suweldo at bonus na natatanggap ng mga opisyal ng SSS.
Sinabi ni Casilao na noong Disyembre 2015, umaabot sa P4.845 bilyon kontribusyon at penalty ang hindi pa nakukuha ng SSS sa National Capital Region pa lamang. Sa kaparehong taon ay sinabi ng Commission on Audit na dapat ibalik ng SSS ang P71 milyong bonus na ipinamigay nito sa mga opisyal at empleyado nito.
Dagdag na kontribusyon sa SSS labag sa batas?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...