Jaclyn walang paki kung tawaging stalker ni Dingdong

jaclyn jose at dingdong dantes

HINDI na talaga mapipigilan ang well-loved at top-rating GMA Primetime series na Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes sa pagratsada nito sa TV ratings since day one.

Hook na hook talaga ang mga fans nito—mapa-lovelife ni Pepe hanggang sa action-packed scenes nito.

Hindi naman kataka-taka ito dahil sa suporta na nakukuha nito hindi lang sa viewers kundi pati na rin sa mga actors nito.

Example na lang ay ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na sobra ang pagmamalaki kay Kapuso Primetime King.

Saan man niya kasi makita ang billboard o tarp ng kanyang palabas, ay agad niya itong pinopost sa kanyang Instagram account. Kaya naman mahal na mahal ng DongYan fans si Jaclyn.

Dedma lang ang award-winning actress kahit na magmukha na siyang stalker ng mister ni Marian Rivera.

Read more...