Hindi na virgin ang girlfriend (2)

Sulat mula kay Cid ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal  

Problema:

1.      Magto-two months na po kami ng girlfriend ko hanggang sa may aminin siya sa akin na hindi na daw siya virgin, may nakauna na daw sa pagkababae nya at yong first boyfriend nya yon. Kaya sa nangyaring iyon, nagulat nga ako talaga.   Kung tutuusin, daig nya pa pala ako dahil nga may nakaraan na siya, samantalang ako virgin pa. Itatanong ko lang po sana kung kapag hindi na po virgin ang isang babae, hindi kaya kapag mag-asawa na kami ay mangaliwa lang siya.

2.      Para kasing hindi magandang mapangasawa ng isang lalaking wala pang karanasan ang isang babaing may karanasan na pala? Kaya sa ngayon labis akong nanghihinayang kasi mahal na mahal ko po siya at siya pa lang ang unang naging girlfriend ko. Siya na kaya ang makakatuluyan ko at mapapangasawa kahit hindi na siya virgin medyo nalilito po kasi ako sa ngayon.  September 16, 1990 ang birthday ko at May 10, 1991 naman ang girlfriend ko.

Umaasa,

Cid ng Tanay, Rizal

Solusyon/Analysis:

Astrology:

 Ayon sa zodiac sign mong Virgo (Illustrion 2.)  at Taurus naman ang girlfriend mo ang nagsasbaing compatible kayo. Ibig sabihin, walang kaugnayan ang virginity sa pagiging magka-compatible nyong dalawa kung saan, dahil nga tugma kayo malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan.

Numerology:

        Samantala ayon sa birth date mong 16 at 10 naman ang girlfriend mo tulad sa astrology tunay ngang tugma at compatible kayo. Ibig sabihin kahit nga sa numerology at astrology talagang tugma kayo sa isat-isa, at sa bandang huli kayo na nga ang magkakatuluyan. 

Luscher Color Test:

Kung asul ang laging isinusuot na kulay ng girlfriend mo o kaya’y berde at puti, tiyak ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan.

Huling payo at paalala:

       Cid ayon sa iyong kapalaran kahit na hindi na virgin ang girlfriend mo sa kasalukuyan  kayo na nga ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong kasalukuyan 2017 sa edad mong 27 at 26 naman ang girlfriend mo.

Read more...