Hindi na virgin ang girlfriend

Sulat mula kay Cid ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal
Dear Sir Greenfield,
Magto-two months na po kami ng girlfriend ko hanggang sa may aminin siya sa akin na hindi na daw siya virgin, may nakauna na daw sa pagkababae nya at yong first boyfriend nya yon. Kaya sa nangyaring iyon, nagulat nga ako talaga. Kung tutuusin, daig nya pa pala ako dahil nga may nakaraan na siya, samantalang ako virgin pa. Itatanong ko lang po sana kung kapag hindi na po virgin ang isang babae, hindi kaya kapag mag-asawa na kami ay mangaliwa lang siya. Para kasing hindi magandang mapangasawa ng isang lalaking wala pang karanasan ang isang babaing may karanasan na pala? Kaya sa ngayon labis akong nanghihinayang kasi mahal na mahal ko po siya at siya pa lang ang unang naging girlfriend ko. Siya na kaya ang makakatuluyan ko at mapapangasawa kahit hindi na siya virgin medyo nalilito po kasi ako sa ngayon. September 16, 1990 ang birthday ko at May 10, 1991 naman ang girlfriend ko.
Umaasa,
Cid ng Tanay, Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang iyong first love at kauna-unahang naka-relasyon, walang duda, tiyak ang magaganap siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Queen of Clubs at Jack of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing kahit hindi na virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya maligaya, matagumpay at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy…

Read more...