Sarah, John Lloyd balik-tambalan sa pelikula

sarah geronimo and john lloyd cruz

TUWANG-TUWA ang mga Popsters nang mabalitaan nilang magkakaroon ng reunion movie sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Kalat na kalat na sa social media ang chika na nakipag-meeting na sina Sarah at Lloydie sa mga taga-Star Cinema para sa kanilang susunod na pelikula na ipalalabas ngayong 2017.

Isang litrato ni Sarah katabi ang standee ni John Lloyd ang ipinost sa Instagram ng isang staff ng Star Cinema na may caption na: “Soon.” Puro magagandang komento naman ang nabasa namin mula sa fans nina Sarah at John Lloyd.

Hindi naman binanggit kung sequel pa rin ito ng tatlong blockbuster movies ng dalawa, ang “A Very Special Love”, “You Changed My Life” at “It Takes A Man and A Woman” o kung bagong pelikula na.

Read more...