Boy Abunda kayang-kayang ibalik si Kris sa ABS-CBN

KRIS AQUINO AT BOY ABUNDA

KRIS AQUINO AT BOY ABUNDA

THANKFUL ang King of Talk na si Boy Abunda sa nagdaang taon dahil sa patuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya. Mapa-career, business, personal life at siyempre ang kanyang lovelife na nananati-ling mabunga.

At kahit isinara niya ang kanyang first ever talent management na itinayo niya couple of decades ago at nakapagprodyus ng maraming mga big stars sa showbiz, ang Backroom, Inc., e, agad naman siyang nakapagbukas ng panibago at pang-international pa, huh!

Asian Artist Agency ang pa-ngalan ng bagong talent management ni Kuya Boy kung saan kasama pa rin niya ang ibang staff niya sa Backroom.

So, bukod sa mga bagong ta-lents niya na galing pa sa iba’t ibang bansa, siya pa rin ang nagha-handle ng career ng dati pa niyang mga talents gaya ng Co-medy Queen na si Ai Ai delas Alas, Ariel Rivera, Gelli de Belen, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Amy Perez, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Drew Arellano at marami pang iba.

Patuloy pa rin ang pagtulong niya sa endorsements ng kaibigan niya at Queen of All Media na si Kris Aquino.

This is the reason kung bakit may mga nagsasabi na kung nagawang ibalik ni Kuya Boy si Ai Ai sa ABS-CBN/Star Cinema, kayang-kaya rin niya itong gawin kay Kris.

Nangiti lang si Kuya Boy when we mentioned this to him habang nagpi-prepare sa kanyang late night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Isang “exploratory meeting” lang daw ang naganap between Ai Ai and the Star Cinema executives. And as of the moment, ginagawa pa lang daw ang kuwento para sa movie na gagawin ng Comedy Queen.

Natuwa naman kami nang banggitin ni Kuya Boy na as far as he knows, okey na raw sina Kris at Ai Ai. Hindi na raw ganoon katindi ang tensyon sa pagitan ng former BFF.

Nagsimula raw ito nu’ng tumanggap ng award si Ai Ai mula sa mga pari sa simbahang Katoliko last year. Nagbigay daw ng donation si Kris sa simbahang ipina-patayo ni Ai Ai.

Read more...