Doble Kara tatapusin na, Julia Montes pupuntahan agad ang ama sa Germany

MARTIN SCHNITTKA AT JULIA MONTES

MARTIN SCHNITTKA AT JULIA MONTES

SA Enero 27 na magtatapos ang Doble Kara kaya pala araw-araw na ang taping nina Julia Montes, Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman, Mylene Dizon, Rayver Cruz at Sam Milby.

May balitang extended ito pero biglang nag-stick na lang ulit ang Dreamscape sa planong hanggang Enero na lang.

Sakto rin dahil gustung-gusto na ring magbakasyon ng ibang members ng cast dahil may kaniya-kaniya silang mga ganap sa buhay tulad ni Julia na lilipad patungong Germany pagkatapos ng Doble Kara para makasama ang biological father na nakilala niya bago mag-Bagong Taon.

At si Sam naman na bukod sa magpapahinga sandali ay magre-record naman ng bago niyang album mula sa Star Music.

Ano naman kaya ang next project ni Rayver Cruz pagkatapos ng Doble Kara? Bakit ba parang mailap sa aktor ang TV at movie projects? Magaling naman siyang umarte?

Kasusulat lang namin dito sa BANDERA noong isang araw na Doble Kara rin lang ang project ni Edgar Allan Guzman. Ano kaya ang kasunod para hindi siya laging napagkikita sa malls kasama ang girlfriend niyang si Shaira Mae na wala rin kaming alam na project ngayon.

Hindi namin tatanungin kung anong next project ni Mylene Dizon dahil siya ang artistang hindi nawawalan dahil maski na anong papel ay kaya niyang gampanan. E, si Maxene Magalona kaya?

Anyway, ang serye naman ni Maja Salvador na Wildflower mula sa unit ni direk Ruel S. Bayani ang ipapalit sa Doble Kara na akala namin ay sa primetime mapapanood.

Read more...