Kakai sa basher: Wag mo akong binobola, ayoko ng palaka!”

KAKAI BAUTISTA

KAKAI BAUTISTA

NAIMBYERNA si Kakai Bautista sa isang fan na ang tingin niya ay isang etchuserang frog.

Sa kanyang post kasi ay nag-comment ang fan ng, “Yung kay ate ilovekaye ‘first subject’, tas kay ms. Mia ‘beautiful subject.’ Te Kakai oh, Hahaha!”

The fan must be referring to a photo na magkasama sina Maja Salvador at Kakai.

“Ganda talaga ng kuha mo ate Maja,” say pa ng fan.

Dito na napikon si Kakai who reacted, “Simula pa lang ng taon nang aano kana eh!”

Say ng fan, it was just a joke at wala siyang balak makipag-away.

“Joke lang po ate kakai. At sa totoo lang nakakainggit ka kaya ang ganda ng boses mo, masayahin at kaibigan mo pa c ate @majasalvador at mabait. Salamat sa reply, ang saya ko wooooho. Sana magreply ka din sa messenger. paHug p okay ate MAJA. Sana din xa magreply sakin.”

Visibly miffed, Kakai replied, “Pwes hindi ako natuwa sa joke. Hindi tayo close wag mo kong binobola. Etchuserang Palaka. AYOKO NG PALAKA.”

“Ang sungit ng babaeng to..akala mo kung sinong kagandahan. Haay! wala namang masama sa sinabi ng bata ah? kung binash, magwawala, pag pinuri naman ay magsusungit. Nakakainis lang! Ang sungit! PS: hindi ako ang bata sa IG!” reaction ng isang fan against kay Kakai.

“I didn’t see anything wrong sa sinabi nung girl. Tapos yung iba dito yung netizen pa ang may kasalanan? Sila pa ang sisisihin? Saan ba talaga lulugar ang isang netizen?” say naman ng isa pa.

“Wow naman, nothing wrong ba yan? simpleng hiniritan na pangit si kakai at maganda si maja, tapos di naman pala sia kilala nung kakai para makipagbiruan sa ganung level.

“Rude ung commenter, ayun tinabla ni kakai. Wag masaktan ang unang nambastos. Tapos biglang magpapalusot na joke lang, ano be. Hahaha,” say ng isang fan ng komedyante.

Read more...