Horoscope, January 08, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa. Ngayong 2017 iwasan ang maluhong pamumuhay, mamuhay ng simple lang. Sa pag-ibig, kusang iinit ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Huwag pang himasukan ang buhay ng iba. Sariling diskarte at sariling kalakal ang magpapayaman sa iyo, hindi ka dapat sumosyo sa iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang gusto ng kasuyo upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Kaya sa taong ito ng 2017 laging maglinis ng bahay at salid. Kapag in love ka, ganoon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sa iyo sa taong ito ng 2017. Sa pag-ibig, okey ang kapartner na Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung laging magsusuot ng green anuman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. Sa pinanasyal, may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masayang relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati pa rin – patuloy na kakapusin. Ang pinakamabuting gawin ay magtipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi at lalong sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang iyong ginagawa, hindi ka dapat mang-api at hindi ka rin dapat apihin. Lagi ka lang lumagay sa tama at ipayapa ang isipan. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng masayang pamumuhay. Mapalad ang 6, 12, 18, 23, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Beige at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ng 2017 ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita, babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Dahil malamig ang panahon ngayon uso ang sakit. Para maiwasan ang karamdaman, bumili at kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Sa ganyang paraan, mas magiging malusog ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2017 panatiliin ang positibong pag-iisip. Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako…. Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2017 wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang suyuan at mas malaking kita ng salapi ang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Read more...