Ka-chat mate ang makakatuluyan

Sulat mula kay Ayie ng Sagrada Familia, Panacan, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Wala po akong boyfriend sa ngayon pero mayroon po akong ka-chat mate minsan pinapadalhan niya pa ako ng load para raw lagi akong makapag-internet. Nasa ibang bansa po siya pero kapwa rin natin siya Pinoy. Sa ngayon po ay nahihiwagaan ako kung gusto talaga ako ng lalaking ito kasi hindi naman po siya nag sasabi ng I love you, pero halos alam ko na po ang istorya ng buhay nya at ganoon din ako sa kanya. Lagi niyang sinasabi basta magkaibigan lang daw kami. Hindi ko naman sa kanya masabing napapamahal na po ako sa kanya, kasi baka sabihin naman niya na cheap ako. Sa ngayon po ay halos dalawang buwan na kaming magka-chat at halos araw-araw ay nag-uusap kami. Sa palagay ninyo siya na kaya ang una at huling lalaking aking mamahalin, kasi mula ng nagdalaga ako hanggang ngayon ay hindi pa po ako nagkaka-boyfriend. Compatible po ba kami at kami na kaya ang magkakatuluyan? June 14, 1990 ang birthday ko October 17, 1988 naman siya.
Umaasa,
Ayie ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang ka-chat mate mo sa kasalukuyan, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
Jack of Clubs, Two of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nasasabing isang lalaking halos kasing edad mo rin ang iyong makakatuluyan, may itsura at may stable job na kakilala mo na sa kasalukuyan.
Itutuloy…

Read more...