#TGLTheBloodWar ng ‘The Greatest Love’ nag-trending

ANG CAST NG "THE GREATEST LOVE"

ANG CAST NG “THE GREATEST LOVE”

PINAG-UUSAPAN online ang matinding kumprontasyon ni Mama Gloria (Sylvia Sanchez) at kanyang mga anak sa Kapamilya serye na The Greatest Love, kaya naman agad itong nanguna sa listahan ng trending topics noong Huwebes.

Umani nga ng libo-libong tweets ang hashtag ng episode na #TGLTheBloodWar, kung saan ibinahagi ng netizens ang sari-sari nilang reaksyon sa makapigil-hiningang eksena ng palabas.

Sabi ni @SuperRayveeGaga, “Nakakaloka eksenang ito! Ito ang tunay na pasabog!”

Hindi rin napigilan ni @JetMonticello ang pagpuri sa cast ng serye. “Sobrang heavy ng acting-an! Walang tapon,” sabi niya.

Kahit ang TFC subscriber na si @tracy_erickson, hindi napigilan ang pagkasabik sa eksena. “Hindi ako makapaghintay mapanood ang “TGLTheBloodWar. Ito na lang talaga bumubuhay sa TFC ko,” saad niya.
Bukod sa netizens, naging mainit din ang suporta ng mga manonood sa serye sa pagtala nito noong Huwebes ng national TV rating na 17%, kumpara sa katapat nitong programa.

Samantala, ngayong Lunes, haharap na sa pinabagong kabanata ng kanyang buhay si Gloria dahil nakatakda na niyang ipagtapat sa kanyang mga anak na nalalabi na lamang ang kanyang mga oras.

Maging maayos na kaya ang pamilya ni Gloria bago pa mahuli ang lahat? Mapatawad na kaya nila ang isa’t-isa?

Patuloy na tutukan ang hindi malilimutang kuwento ng pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon after Doble Kara sa ABS-CBN.

Read more...