Bistek umaming nakipagkita uli kay Kris, nagkabalikan nga ba?

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

MARIING idinenay ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang chika na nagkabalikan na raw sila ni Kris Aquino.

Kumalat kasi ang balita na maraming nakakita sa kanila ng Queen of All Media na “magka-date” raw sila sa isang restaurant somewhere in Quezon City bago magtapos ang 2016.

“Hindi kami nagkabalikan, walang ganu’n” ang paglilinaw ni Bistek sa panayam ng ABS-CBN.

Depensa pa ng alkalde ng Q.C., “Hindi, hindi. Kasi humihingi siya ng tulong tungkol sa kanyang business permit sa bagong itinayo niyang company, so sabi ko sige, ayun nag meeting kami.”

Pero siniguro ni Mayor Herbert na nananatili silang magkaibigan ng TV host-actress sa kabila ng naudlot nilang relasyon noon.

“Okay naman kami and I’m happy that she’s doing great. Ang huling balita ko nagpunta siya ng States para magpa-checkup and I’m happy kasi she’s physically well,” chika pa ng actor-politician.

Para naman sa kanyang personal life, ipinagdarasal daw niya na mas maging produktibo at positibo ang 2017 para sa kanyang pamilya at sa lahat ng constituents niya sa Quezon City.

“Masaya ang 2017. Well everybody is hoping na maging maganda ang 2017 kaysa sa 2016. Looking forward din tayo for a positive year and more productive year,” ang sabi pa ni Bistek sa nasabing panayam.

“For my personal life, wala masyado. I just have to really work hard and maintain a certain weight para hindi ako magkasakit, so more focus lang sa health so we will be able to do more for our people,” pahayag pa ng alkalde.

Read more...