Mocha umaming napariwara noon, pero malaki na ang pagbabago ngayon

BATID ni Mocha Uson na mababa ang tingin sa kanya ng haters/bashers niya. Tumira silang muli nang ianunsyo ang appointment niya bilang bagong Board member ng MTRCB.
“Puwede pong magsilbi sa gobyerno kahit mababa ang tingin sa atin,” simula ni Mocha sa interview sa kanya sa isang radio program nu’ng Friday morning.
Ayon kay Mocha, nagtapos ng BS Medical Technology sa UST at nag-second year medicine proper sa nasabi ring unibersidad. Next week ay may orientation siya kay MTRCB Chair Atty. Toto Villareal.
Ano ang masasabi niya sa bashers niya na inilalabas ‘yung mga sex videos, sexy pictures at iba pang ginawa niya noon? “Opo. Hindi naman sikreto ‘yan. ‘Yan po ang past life ko dahil ako po ay naging sex blogger, sex columnist po. Isang men’s magazine na na-publish din sa isang on line news site. Hindi naman po ‘yan tago. Diyan po ako nagmula.
“Alam naman ninyo ang mga tao, lalo na ‘yung bashers, ilalabas ‘yung lumang videos, litrato. Kaya nakakalungkot po na hindi sila makapag-move on. ‘Yung tulad ko na gustong magbago ay nagmu-move on na.
“Wala na po akong magagawa sa kanila,” katwiran ni Mocha.
Wala namang epekto sa grupo niya ang paninira sa kanya. Gabi-gabi raw silang may shows maging sa probinsiya.
“Malaki na ang pagbabago. Sing and dance na lang. Wala nang lap dance,” pahayag niya.
“Lahat naman tayo may nagawang pagkakamali and we learn from our experiences. As we mature in life, nag-iiba ang perspective natin sa buhay at ako eh, talagang napariwara ako noon.
“Ginawa ko ang sexy pictorials pero ngayon mas malawak na ang aking perspektibo sa buhay. I think that’s why I changed, I found a deeper meaning in my life pag may purpose ka sa buhay,” dagdag ni Mocha.

Read more...