Happy New Year na walang traffic

NITONG nakaraang linggo ay napansin ko na napakagaan ng daloy ng trapiko sa lansangan ng Metro Manila.

Medyo nalito ako dahil sa totoo lang, ang inaasahan ko lang na pagluwag ay sa araw ng Bagong Taon.
Pero simula Lunes hanggang Huwebes, kahapon, ay maayos ang trapik.

Tinanong ko si MMDA General Manager Tim Orbos tungkol dito at sabi niya ay dahil nagtalaga sila ng mga karagdagang traffic enforcers para sa inaasahang buhos ng sasakyan noong Lunes at Martes.

Naniniwala ako kay Tim Orbos dahil talaga namang pro-active ang mama na ito noong araw pa at alam niya ang trabaho niya.

Pero hindi ito ang napansin kong puno’t dulo nang maluwag na trapiko.

Dahil nitong nakaraang isang buwan at kalahati ay sunod sunod ang naging pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo, at ito ang maaring isäng dahilan.

Inaasahan ng merkado na magtutuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahli sa mga kaganapan sa mundo gaya na rin nang humihinang piso.

Naranasan na natin ito noong umabot sa mahigit P60 ang kada litro ng unleaded gasoline. Biglang lumuwag ang daloy ng trapiko dahil ayaw gumamit ng tao ng koste dahil mahal nga ang gasolina.

Alam ko na tatawagin akong anti-poor ng marami sa suggestion ko, pero isa ito sa gusto kong makita, ang mas mahal na presyo ng gasolina para sa private consumer na may sariling kotse.

Ito ay upang mapilit ang mga taong mag-sama-sama sa isang sasakyan at hindi yung isang kotse-isang tao na sistemang laganap ngayon.

Baka din maisipan ng mga magulang na imbes na isang estudyante isang kotse sa mga paaralan ay maaaring kumuha na sila ng serbisyo ng school bus.

Ito kasi ang ikalawa sa pinakamalaking problema natin sa trapiko sa mga siyudad kasunod ng mga jeep at bus na walang disiplina sa lansangan.

Sa bawat middle class family na may trabaho at nag-aaral, halos lahat ay may kotse kahit segunda mano o sobrang luma na.

Sa totoo lang, pati yung mga nakatira sa squatters area o informal settlers sangkatutak ang mag nakaparadang kotse, na nagiging sanhi naman ng obstruction sa kalsada.

Dapat na nating pag-isipan ang paghihigpit sa pagmamayari ng sasakyan, hindi dahil pangmayaman lang ito kundi hindi na ito healthy sa sitwasyon ng lansangan natin. Dapat ay gayahin na natin ang mag bansang tulåd ng Singapore, Malaysia, Thailand at Japan na naglalagay ng restrictions sa car ownership para hindi ito maging sagabal.

Mga requirements tulad ng maayos na kaalaman sa batas trapiko, paradahan ng auto na hindi sa kalye at tamang gamit ng sasakyan.

Dahil kung hindi natin gagawin ito, darating ang araw na ultimo bisikleta ay hindi na gagalaw sa lansangan.

Auto Trivia: Ang 1964 Ford Mustang ang tanging kotse sa buong kasaysayan ng tao ang sabay na lumabas sa cover ng Time at Newsweek ng taong iyon. Sobrang sikat ng Ford Mustang na hindi napigilan ng dalawang sikat na magazine na sabay nila ito ilabas.

Read more...