Illegitimate child may karapatan ba sa benepisyo?

MAGANDANG araw sa Aksyon Line at sa bumubuo ng inyong pahayagan.

Naway ang pagpapala ng Maykapal ay sumainyo sa pagtulong ninyo sa mga taong nangangailangan sa buhay.

Itatanong ko po sa Employess Compensation Commission kung ang isang illegitimate child ay qualified tumangap ng benepisyo mula sa isang pensioner na namatay na.

Pinakiusapan po ako ng aking kaibigan na itanong ang tungkol dito dahil siya po ay isang illegitimate child nahiya po kasi siya na lumiham sa inyo at sabi sa akin kung may benipisyo siyang matatanggap ay malaking tulong para sa kanyang pag aaral na nasa grade 11 na.

Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.

Maraming Salamat po. Mabuhay po kayo?

Jessica Valdez
Brgy. Moonwalk, Las Pinas
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Valdez na ipinapatanong ng iyong kaibigan.

Ayon po sa reglamento ng batas ng ECC kung patay na, ang member or pensioner ang makakatangap ng benepisyo mula sa ECC ay yung nabibilang sa legitimate primary heir.

At iyon po ay ang legally married spouse. In the absence of married spouse kung namatay na rin ang legitimate secondary heir, yung mga tunay na anak ang makakatanggap.

Wala po pong naba-banggit ang batas ma-liban po sa dalawang nabanggit.

Ang Employees Compensation Program ay isang government program na itinayo para mabigyan ng compensation package ang mga nasa private and public sector employees at kanilang dependents na lehitimong asawa at anak kung may kaugnayan sa trabaho ang pagkakasakit, injury , disability or death.

Thank you very much.
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Employeed
Compensation
Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...