Ellen walang ginawa kundi magbilad ng katawan; di na raw nahiya sa Magulang

ELLEN ADARNA

ELLEN ADARNA

KUNG tuwang-tuwa at naglalaway ang mga kalalakihan at katomboyan sa mga sexy photos na ipinopost ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account, meron ding mga naiinis at naiinggit, lalo na ang ilang female netizens.

Grabe ang katapangan at pagiging liberated ni Ellen pagdating sa paghuhubad, wala siyang keber sa pagbibilad ng kanyang hubad na katawan sa social media kaya naman padami nang padami ang mga male followers niya sa IG.

Recently, nag-post muli ang Kapamilya actress sa IG ng isang video kung saan naka-two-piece bikini lang siya. Kuha ito sa loob ng kanyang banyo. Nilagyan niya ito ng caption na: “Back to reality. #howtolosefatsin10days #daydreaming is over #throwbackbody #motivation!”

Kung may mga nagkomento ng magaganda sa nasabing video, meron ding nambasag sa aktres. May nagsabi na wala na raw talagang hiya sa katawan ang rumored girlfiend ni Baste Duterte at wala na rin daw siyang ipinagkaiba sa mga nagbebenta ng katawan para kumita.

Sey naman ng isang pa-conservative na netizen, wala raw bang mga magulang si Ellen na nagsasabi sa kanya na tigilan na ang pagbibilad ng kanyang katawan sa social media dahil hindi na raw ito magandang tingnan.

Ayon pa sa isang follower ni Ellen Adarna (@noorhakkiayob): “Ayaw na ayw ko sa babaeng ito parang wala ng hiya ni katiting sa katawan hubad dito hubad dun! my god nasaan ang nanay at tatay mo pagsabihan ka man lng.”

Tila nabwisit naman ang Kapamilya sexy star sa pang-ookray ng nasabing basher kaya sinagot niya ito ng, “@noorhakkiayob eh di wag ka magtambay dito. Kalurks! Na stress kapa! Hahahahaha!”

Read more...