Susuwertehin na sa ikatlong pag-aabroad

Sulat mula kay Marianne Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Nakakadalawang beses na po akong nakapag-abroad at parehong sa Middle East. Ang problema ay hindi naman gumanda ang buhay ko at halos di pa rin makabayad sa mga pagkakautang. Nakapagpatayo ako ng tindahan sa silong ng bahay namin kaya lang ay paubos na rin ang laman kaya balak ko sanang mag-abroad uli. Itatanong ko lang po sana kung may ikatlong pag-aabroad pa bang itatala sa aking kapalaran. Kung mayroon, kailan kaya ako makakaalis? May kaibigan kasi ako sa Canada na siyang tumutulong para makapag-abroad ako doon. Matutuloy na kaya ako sa taong ito at papalarin na kayang gumanda ang buhay ko doon? September 3, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Marianne ng CDO
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing higit na malawak at makapal ang ikatlong Travel Line (Illustration 3-3 arrow 3.) sa iyong palad kung kukumpara sa dalawang nauna. Ibig sabihin, sa ikatlong paga-abroad, walang duda, papalarin ka na.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Nine of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng kaibigan mong nasa Canada na, tiyak ang magaganap sa ikalimang buwan ng taon— may isang mabunga at mabiyayang ikatlong pag-abroad na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Read more...