Binabalewala na ng boyfriend (2)

Sulat mula kay Leslie ng Mascap, Rodriguez, Rizal
Problema:
1. May boyfriend po ako at kalahating taon na ang relasyon namin. Ang problema imbis na maging masaya ang aming relasyon parang wala ring nangyayari, kasi nagwor-work siya, kaya bihira nya akong madalaw o mapasyahalan man sa aming bahay. Dati ang pangako nya sa akin once a week ay pupunta siya sa bahay, pero ang nangyayari sa ngayon minsan na lang siya sa isang buwan kung dumalaw, at ang laging dahilan ay busy daw siya sa work.
2. At ngayon nga pong nakaraang Pasko at Bagong Taon, hindi man lang siya nagpakita sa akin at kapag tinetext ko ay hindi naman sumasagot. Ano na kaya ang nangyari sa kanya, may iba na kaya siya kaya siya naging ganon? Compatible kaya kami at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat ko na siyang kalimutan at mag hanap na lang ako ng iba na mas papahalagahan at mas mamahalin ako? May 12, 1992 ang birthday ko at August 13, 1991 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Leslie ng Rodriguez, Rizal
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing kung malaki ang katawan ng BF mo sa ngayon at sabihin na nating maskulado, hindi siya ang makakatuluyan mo at magpapaligaya sa iyo. Sa halip isang payat o balingkinitang pangangatawan na medyo matangkad ang lalaking magpapaligaya sa iyo at makakasama mo habang buhay.
Numerology:
Ang birthday date mong 12 ay nagsasabing hindi mo ka compatible ang boyfriend ong may birth date na 13. Sa halip ang ka-compatible mo na maaaring tuluyan mo na ring mapapanagsawa ay silang siinilang sa petsang 6, 15, 24, 9, 18 at 27.
Luscher Color Test:
Upang makamit ang kumpletong saya at ligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon lagi kang gumamit ng kulay na pink, asul at pula. Sa nasabing kulay tuloy-tuloy na ang isang maligaya at pang habang buhay na pakikipag-relasyon sa piling ng isang lalaking may zodiac sign na Virgo.
Huling payo at paalala:
Leslie ayon sa iyong kapalaran, tama lang na kalimutan mo na ang kasalukuyan mong boyfriend na hindi ka na pinapahalagahan sapagkat kapag tuluyan na siyang nawala sa puso at isipan mo, sigurado na ang magaganap, sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Marso sa edad mong 24 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating – siya ang ikalawang magiging boyfriend mo, na magbibigay sa iyo pagpapahalaga, iibigin ka nya ng tapat at sa bandang huli ay tuluyan ko na rin siyang makakasama sa pagbuo ng isangmaligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...