Isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration at inaasahang makakaapekto sa Mindanao area.
Tinitignan ng PAGASA kung ang LPA ay lalong lalakas at magiging unang bagyo ng taon.
Kung magiging bagyo ito ay tatawaging Auring, ayon sa listahan ng PAGASA.
Ang pangalan ng bagyo ay muling ginagamit makalipas ang apat na taon. Ang mga malalakas na bagyo naman ay pinapalitan.
Ayon sa tropical cyclone forecast ng PAGASA maaaring may isang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan.
Isang bagyo rin ang maaaring pumasok sa PAR sa buwan ng Pebrero, Marso, at Abril.
Maaaring isa o dalawang bagyo naman sa Mayo at Hunyo.
MOST READ
LATEST STORIES