Isalvage, mga talamak na kawatan sa gobyerno

ISA sa mga pangako ni Pangulong Digong noong kampanya ay burahin ang korapsyon sa gobyerno.

Matapos ang magandang resulta ng kanyang war on drugs, pagtutuunan ng Presidente sa 2017 ang corruption.

Isa sa mga ahensiya na dapat bantayan niya ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang BIR ang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Tuwing tax season, kumikita ng malakihan ang mga appraisers at revenue collectors.

Halimbawa, may utang ang isang kompanya sa gobyerno ng P100 million in unpaid taxes.

Kakausapin ng BIR investigators ang may-ari ng kompanya at sasabihin ng mga ito na magbayad na lang ng P50 milyon.

Paghahatian ng BIR probers at ng kompanya ang natitirang P50 mil-yon.

Ganyan kumikita ang mga corrupt BIR personnel.

Hindi lantad ang kanilang corruption dahil ang nag-uusap ay ang tax delinquent na kompanya at sila lang.

Everybody happy sa ganitong set-up.

Pero lugi ang gobyerno dahil naibulsa ang P50 milyon.

Nagbigay ako ng su-hestiyon sa Duterte Administration na dapat ay panahon na upang ma-ging marahas ito sa mga corrupt government officials at employees.

Ang aking suhestiyon na sinulat ko sa INQUIRER, sister newspaper nitong Bandera, ay isalvage ang mga talamak na kawatan sa gobiyerno at lagyan ng banner ang kanilang bangkay ng “Ako’y kawatan ng pondo ng gobyerno.
Huwag tularan” o “Ako’y sobrang nangurakot. Huwag akong tularan.”

Siyempre, kakausapin muna ang mga ito ng masinsinan at kapag di pa sila titigil ay tetepokin na sila.

Tingnan lang natin kung hindi titino ang mga talamak na kawatan sa gobyerno especially kung masasampolan sila ng 10 hanggang 100.

Ang pangalawang ahensiya na dapat bantayan ay ang Bureau of Customs.

Sa customs, kumikita ang mga kurakot sa “tara” o yung koleksiyon sa bawa’t container na lalabas.

Kapag wala nang bukasan ng container, mas malaki ang tara.

Ang dapat na alisin sa customs bureau ay si Commissioner Nicanor Faeldon na walang kaalam-alam sa revenue collection.

Hindi lang siya ignorante sa revenue collection, may bahid na ang kanyang pangalan: Tumanggap si Faeldon ng P100 milyon sa mga smugglers noong bago pa siya naupo.

Nagkamali si Presidente Digong sa paglalagay kay Lito Banayo sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.

Ang MECO ay nagsisilbing de facto ng Philippine Embassy sa Taiwan gawa ng One China Policy ng ating gobiyerno.

Malaki ang kinikita ng MECO dahil bukod sa nagsisilbing parang embassy ay tumatanggap ng business transactions ito.

Si Banayo ay isang napaka-corrupt na naging administrator ng National Food Authority (NFA).

Kumita siya diumano ng P1 billion sa rice smuggling noong panahong siya’y NFA administrator ng panahon ni Pangulong Noynoy.

Noong kampanya, lapit ng lapit si Banayo sa kampo ni Duterte pero siya ay itinataboy ng mga nakapaligid kay Presidential Candidate Rody Duterte.

Ang ginawa ni Banayo ay sumipsip siya kay Sen. Alan Peter Cayetano, na vice presidential candidate ni Digong.

Nang manalo si Mano Digong ay ipinakiusap siya ni Cayetano na maging Meco chief.

Sa ngayon, ayon sa aking mga espiya sa Taiwan, nagsisimula nang mangurakot daw itong si Banayo.

Read more...