Vin, Sophie nagbalikan sa ‘Moonglight Over Baler’

sophie albert at vin abrenica

MULING magtatambal ang dating magdyowang sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa pelikulang muling magpapatunay na may “forever” din pagdating sa tunay na pag-ibig.

Sa darating na buwan na mga puso, ihahatid ng T-Rex Entertainment ang “Moonlight Over Baler”, isang timeless love story na magaganap sa dalawang pinakamahalagang pangyayari sa bansa: ang World War II noong dekada ’40 at ang EDSA revolution noong dekada ’80.

Ang kuwento ng period movie na ito ay tatakbo sa pagitan ng giyera noong WWII at sa pagbagsak ng diktaturya sa Pilipinas.

Pagbibidahan nga ito ng former couple na sina Vin at Sophie na talaga namang ibinigay ang lahat para sa makatotohanang pagganap bilang magkasintahang handang gawin ang lahat para sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa gitna ng napakaraming pagsubok.

Makakasama nila sa Valentine offering na ito sina Elizabeth Oropesa, Ellen Adarna, Daria Ramirez Menggie Cobarrubias at Angie Ferro. This is produced by Rex Tiri, written by Eric Ramos and directed by Gil Portes.

Magsisimula ang kwento sa isang Japanese journalist (Vin) na nagko-cover ng EDSA Revolution. Bibisita siya sa Baler kung saan makikilala niya ang isang retiradong guro na gagampanan ni La Oro.

Magugulat siya sa itsura ng binatang journalist dahil kamukhang-kamukha ito ng dati niyang kasintahan na namatay sa gera. Si Sophie ang gaganap na batang Elizabeth.

Samantala, mai-in love naman si Vin kay Ellen. Boto naman dito ang retiradong teacher pero magkakaroon ng gulo nang magalit ang isang manliligaw ni Ellen. Bubugbugin nito si Vin kaya magdedesisyong huwag nang ituloy ang panunuyo kay Ellen.

Dito na magaganap ang flashbacks sa pelikula kung saan muling haharapin ng retiradong guro ang madugo at mapait niyang nakaraan. Sinisisi pa rin kasi niya ang sarili kung bakit namatay ang kanyang pinakamamahal na kasintahan.

Ang “Moonlight Over Baler” ay isang bittersweet love story na siguradong tatagos sa mga puso ng bawat manonood.

Read more...