Sarah, Lea, Bamboo nililigawan para sa bonggang prod number sa Miss Universe

the voice

POSIBLENG makasama ang Pop Princess na si Sarah Geronimo at international artist na si Lea Salonga sa mga magpe-perform para sa nalalapit na Miss Universe na gaganapin sa bansa sa Jan. 30.

Ito’y matapos mapabalita na kabilang sa mga international singers na sina Bruno Mars at Ricky Martin ang darating sa bansa ngayong Enero para sa ilang bonggang production numbers ng 65th Miss Universe grand coronation night.

Sa ginanap na press briefing ng Department of Tourism, sinabi ni Undersecretary Kat de Castro na malaki ang posibilidad na mapanood ang mga Kapamilya stars na sina Sarah at Lea sa nasabing big event. Bukod sa dalawa, maaari rin daw mag-perfrom sa Miss U ang dalawa pang Kapamilya singers na sina Bamboo at Jed Madela.

Samantala, kumalat din ang balita na ang TV host-VJ na si Joey Mead ang makakasama ni Steve Harvey bilang host ng Miss Universe pageant this year.

Read more...