BONGGANG-bongga talaga ang mga Pinoy actors; hataw kung hataw sa international scene hindi lang dahil sa independent films kundi maging sa mga teleserye.
Latest nga sa global recognition na naibigay sa mga Pinoy ay ang pagkakasali ng singer/actress na si Karylle sa isang Singapore-based show na “PI” na ang ibig sabihin ay “Private Investigator”.
Gagampanan ni Karylle ang role ni Maia, isang pole dance single parent na isa rin palang private investigator na napasok sa isang masalimuot na buhay na puno ng kasinungalingan at panlilinlang. Ang serye na nasa unang season nito ay bubuuin ng 13 episodes na produce by Media Corp., ang leading TV network sa Singapore.
“I play the role of Maia, she’s a pole dancer, she has her struggles in life, she has a kid and all that so she does anything to put food on the table, she also is a honeytrapper, yun yung mga babae na ina-assist yung PI na photographer para mahuli yung cheating husband so yun yung mga sideline sideline niya,” kwento ni Karylle.
“One day, an old friend of hers asks her to join PI firm but the catch is, it’s not a licensed PI firm so they’re actually scammers, that’s where the fun begins and all the adventures”, pahayag pa ni Karylle sa isang mini press conference nitong Martes.
Excited din na nagkuwento si Karylle tungkol sa mga nakatrabaho niyang foreign actors na si Carl Ng, Vanessa Vanderstraaten, Kathiravan Kandavelu, Joyce Ng, Najib Soiman, Shane Mardjuki, Terence Tay and Kaidon Jinyan. Ang serye ay base sa direksyon ni Ian Seymour.