Binabalewala na ng boyfriend

Sulat mula kay Leslie ng Mascap, Rodriguez, Rizal
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako. Kalahating taon na ang relasyon namin. Ang problema ay imbes na maging masaya ang aming relasyon ay parang wala ring nangyayari. Nagwo-work siya kaya bihira niya akong madalaw o mapasyahalan man sa aming bahay. Dati ang pangako niya sa akin ay once a week ay pupunta siya sa bahay pero ang nangyayari sa ngayon ay minsan na lang siya sa isang buwan kung dumalaw. Ang laging dahilan niya ay busy raw siya sa work. At ngayon nga pong nakaraang Pasko at Bagong Taon, hindi man lang siya nagpakita sa akin.Kapag tine-text ko ay hindi naman sumasagot. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? May iba na kaya siya kaya siya naging ganoon? Compatible kaya kami at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat ko na siyang kalimutan at maghanap na lang ako ng iba na mas papahalagahan at mas mamahalin ako? May 12, 1992 ang birthday ko at August 13, 1991 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa,
Leslie ng Rodriguez, Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi mo nga makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend dahil panandalian lang ang kasalukuyang relasyon. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Fling na Relasyon sa iyong palad (Illstration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, bagamat naging masaya ang mga ilang buwan ng inyong pagsasama, sa darating na mga araw sa taong ding ito ng 2017, ay kusa na ring lalamig ang inyong relasyon hanggang sa tuluyang mabalewala at matigok.
Cartomancy:
Jack of Spades, Queen of Clubs at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mas mainam pang kalimutan mo na ang boyfriend mo dahil sa ikalawang pakikipag-relasyon na nakatkadang dumating din at lumutang sa taong ito ng 2017 makakasumpong ka na ng isang maligaya at panghabangbuhay na pag-ibig hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin.
Itutuloy…

Read more...