Alden sa relasyon nila ni Maine: Patatagin pa natin!

maine mendoza at alden richards

“SANA, kung anuman ang relasyon natin ngayon, mas palakasin pa natin ngayong 2017!”

Iyan ang isa sa mga birthday wish ng Pambansang Bae na si Alden Richards para sa kanila ni Maine Mendoza nang mag-celebrate siya ng kanyang ika-25 kaarawan sa Eat Bulaga kamakalawa.

Maraming gagawing pasabog ngayong taon ang AlDub loveteam kaya ang dasal ni Alden, sana’y mas tumatag pa ang samahan nila ni Maine.

“Mas patatagin pa natin kung anong meron tayo, kasi maraming mangyayari ngayong 2017,” sey pa ng Kapuso heartthrob.

Nasabi rin ni Alden na may mga panahon din na nagkakaroon sila ng tampuhan, pero nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila.

“Alam mo naman ang mga nangyari sa atin before. 2016, good, bad, happy, sad, ups and downs…marami. Pero sana ma-realize mo na kahit di tayo madalas nagkikita, pero nagkikita tayo minsan sa Barangay, pero yung pag-aalaga ko sa ‘yo, yung care ko sa ‘yo, Maine, hindi nagbabago yun.

“From afar lang ako. Aalagaan pa rin kita the most I can. So, kung anuman meron tayo ngayon, sana this 2017, pataasin natin,” aniya pa.

Hirit pa ng binata, “And I’m thankful for you being there for me, kahit na minsan nagkakasamaan tayo ng loob. So, thank you, Maine,” pahayag pa ni Alden.

Narito naman ang mensahe ni Yaya Dub kay Alden, “Ako naman, ang wish ko lang talaga sa ‘yo, kung anuman yung mga kahilingan mo sa Diyos, kung ano ang mga aspirations mo, sana matupad.

“And sana lagi kang masaya. And alam mo naman ang mga sinasabi ko sa ‘yo na mga bagay, sana huwag mong kakalimutan yun.

“Nage-gets ko naman na ‘yan, trabaho-trabaho. Huwag mo pa rin kalimutan na magpahinga minsan, take a break and enjoy mo yung life. Kasi bata pa tayo, e. Huwag ka masyadong kakayod.

“Sana lagi kang masaya and I’m always here for you,” mahabang mensahe pa ng dalaga.
Samantala, nakiusap naman ang AlDub na abangan ang launching series nila sa GMA na Destined To Be Yours. “Malapit na malapit n’yo na pong mapanood ‘yan!”

Read more...