TINIYAK ni Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko at mga deboto na denoble na ang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang prusisyon ng Itim Na Nazareno.
Sa isang pahayag, sinabi ni Estrada na nagtayo na ang Manila Police District (MPD) ng incident command system para matugunan ang pangangailangan ng mga milyong-milyong dadalo sa ilang oras na prusisyon sa Lunes.
“We have made all the proper preparations and final coordination with different agencies involved in the traslacion. We can say we are ready to deal with emergencies,” ayon pa kay Estrada.
Samantala, sinabi ni MPD director Senior Supt. Joel Coronel nakumpleto na ang pagtatayo ng incident command system.
“We have established our incident command system and our contingency preparation, nag-i-improve pa tayo in time, getting better every year and hopefully this is not the last of the series of adjustments,” ayon pa Coronel.
Idinagdag ni Coronel na iaasahan ng pulisya na aabot s 15 milyong deboto ang lalahok sa anim-na araw na selebrasyon, kasama ang dalawang milyong sasama sa traslacion.