BABY girl ang second baby nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.
Sa kabila ng maselang pagbubuntis, siniguro ng OB-Gyne ni Melai na maayos ang kundisyon ngayon ng bata sa kanyang sinapupunan ngunit pinayuhan din siyang mahinay-hinay sa pagtatrabaho.
Sa live New Year episode ng Magandang Buhay kahapon, sinabi ni Melai na babae ang magiging ikalawang baby ni Jason, matapos nga siyang sumailalim muli sa ultrasound. Wala si Jason sa programa dahil may mahalaga pa raw itong aasikasuhin sa Mindoro.
“Papang, mayroon na tayong Elsa and Anna,” sey ni Melai kay Jason na ang tinutukoy nga ay ang mga sikat na karakter sa animated movie na “Frozen.”
Inamin ni Melai na ine-expect niyang baby boy na ang nasa kanyang sinapupunan, para sana isang babae at lalaki na ang kanilang mga supling ni Jason.
“Lesson learned, huwag kang mag-expect. But then again happy ako basta happy at healthy lang si baby,” chika pa ng TV host-comedienne.
Ang panganay nilang si Amelia Lucille o Mela ay turning three years old na sa darating na April. Balak namang pangalanan nina Melai at Jason ang kanilang ikalawang anak ng Penelope.
In fairness, kung meron kaming isang hinahangaang female celebrity pagdating sa pag-aalaga ng kanyang pamilya, yan ay walang iba kundi si Melai. Kaya naman patuloy siyang inuulan ng blessings.
Mas sinuwerte pa siya nang magkabalikan sila ni Jason matapos ang kanilang marital problems. Siya talaga ang gumawa ng paraan para magkaayos silang mag-asawa, di ba?