OVERNIGHT sensation ngang maituturing si Arnel Pineda. Two years ago, isang ordinaryong mang-aawit lamang siya sa isang ordinaryong banda na pumupwesto sa mga bar sa Maynila. Pero nang “madiskubre” siya ng US talk host na si Ellen Degeneres sa YouTube at maging bokalista ng pamosong grupo na Journey, na nagpasikat ng mga kantang gaya ng Open Arms at Faithfully, ang buong mundo na ang entablado ni Arnel.
Sa kanyang pakikipag-usap sa BANDERA, isiniwalat ni Arnel ang kanyang mga plano, pangamba at pangarap ngayon na miyembro na siya ng banda na itinuturing na isa sa pinakadakilang grupo sa Amerika.
BANDERA (B): Kailan ka nagkaroon ng inclination sa music?
ARNEL PINEDA (AP): Four years old pa lang ako (mahilig na akong kumanta).
B: Anong kinakanta mo nu’ng bata ka pa?
AP: Michael Jackson ang kinakanta namin. Barbra Streisand, Karen Carpenter. Pero magmula nu’ng na-expose ako sa rock, rock na talaga.
B: Sino ang mga unang-unang artist na naka-influence sa iyo?
AP: Journey, Queen, Deep Purple, U2, Scorpion, Sting, John Farnham, Beatles.
B: Saan mo naman namana ang magandang boses mo?
AP: Sa mother ko kasi maganda talaga ang boses niya. Pero hindi siya professional singer. She’s a seamstress. Her name is Josefina Pineda. She passed away when she was 35. Rheumatic heart disease ang ikinamatay niya. She died when I was only 13 years old. Four kami, ako ang eldest. I have three brothers.
B: Ano ang unang banda na sinalihan mo?
AP: Hijos ang name ng band namin noon. That was my first band and eventually ‘yang Hijos na ‘yan became Amo band.
B: Dito ka na nagtagal as vocalist?
AP: Mga five years before we disbanded due to money and iba pang differences. Pero ngayon naman nagkikita pa rin kami. Actually, ‘yung tatlo sa miyembro niyan nakakasama ko pa rin. We still see each other. We still talk.
B: Sa pagpe-perform mo with Journey, nakakaramdam ka pa ng kaba?
AP: Hindi naman. Kinabahan lang ako talaga sa Chile kasi it was my first time. But the rest (ng world tour), okey naman.
B: Paano ka naman binago ng Journey?
AP: Of course, financially ibang-iba na ngayon pati na ‘yung lifestyle. In a way, it’s sad din kasi I have to give up my privacy. Siyempre, kung anu-ano na ang inaalam about me because I belong to one of the most successful rock and roll bands in the world.
B: During your first trip sa US with Journey, ano ang una mong hinanap?
AP: Filipino food and Japanese food. Favorite ko ‘yun. It was August, 2007. That was my first audition sa San Francisco.
B: Prior to your trip sa US para sa audition ng Journey, saan-saang bansa ka pa nakarating?
AP: My first travel abroad was Japan, then, Singapore, tapos Hong Kong. Kumakanta kasi ako noon with the Amo band. I’ve been traveling since 1995.
B: Privacy lang ba ang tanging regret mo na nawala kapalit ng international stint mo bilang the vocalist ng Journey?
AP: I think somehow I have to face it because that’s part of my job now, e. Wala na akong magagawa, e. And somehow I kinda enjoy it naman.
B: Masuwerte raw ang mga anak mo dahil naipasok mo sila sa magagandang schools dahil hindi mo naranasan ito?
AP: Yeah. So, that’s why they should be thankful.
B: Ano ba ang natapos mo?
AP: Wala, hanggang third year high school lang ako. Graduating na next year sa college ang panganay ko. Ang sumunod naman ay first year high school. Magkaiba ang ina nung dalawa. Kasama ko ngayon ang ikatlong partner ko in life. Yung pangatlo ko, four years old pa lang.
B: Ano ang reaksyon ng mga anak mo kapag sinasabi na ang tatay nila ay isang international singer?
AP: As much as possible we try to keep our life simple. At saka ilan lang ang nakakakilala sa anak ko, especially ‘yung nasa college because he’s trying to hide it. Proud naman siya kaya lang it’s about privacy.
B: Ano-ano na ang mga naipundar mo?
AP: House pa lang but I’m very fortunate dahil alam naman natin na marami tayong kababayan na until now ay nakatira sa ilalim ng tulay at sa squatter’s area. So, I think I am lucky enough.
B: Kumusta naman ang paghaharap n’yo ni Oprah Winfrey?
AP: You know what? Hindi ka mai-intimidate ma-meet si Oprah because she’s very, very welcoming.
She’s very humble. Hindi mo mapi-feel na ‘god’ siya ng media, walang ganu’n.
B: Talk to us about your foundation.
AP: Ang Arnel Pineda Foundation started late fall of 2008. Naging inspiration ko ‘yung mga streetkids dito sa atin. I think they deserve the kind of chance that ibang well off children have.
They deserve the same kind of life din. I want to create a program wherein we can come to them.
Maybe you heard of (Efren) Penaflorida? Hero siya ng CNN. That’s what I want. Turuan ang mga bata, educate them.”
—Interbyu ni Julie Bonifacio