PWEDENG-PWEDE na raw mag-asawa ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Bukod kasi sa financially stable na ang Kapuso heartthrob ay napakasipag at napakadisiplina rin nito. At siguradong napakaswerte ng babaeng pakakasalan niya in the future.
Marami rin ang pumupuri kay Alden bilang isang negosyante, sa maikling panahon lang kasi ay naging matagumpay agad ang kanyang mga pinasok na business.
Sabi nga ng ilang successful businessman, it will take you some time para makapagbukas ulit ng isa pang branch ng negosto mo, pero iba nga ang Pambansang Bae na si Alden.
Wala pa kasing halos isang taon after niyang buksan ang kanyang restaurant sa Tagaytay na Concha’s, muli na naman siyang nakapagbukas ng branch nito sa may Quezon City.
Balita namin, mula nang magbukas ang nasabing branch ay talagang dumagsa ang mga kumakain dito. Hindi naman kataka-taka dahil mismong si Alden ay napaka-hands on sa nasabing resto. Kung meron lang din siyang panahon ay dito siya pumupunta para kumustahin ang kanilang mga guests.
Malaking bentahe kasi sa mga regular customers na nakikita nila upclose and personal ang Kapuso actor. Kung minsan din ay mismong ang binata ang umiistima sa kanilang mga parokyano.
Good job, Tisoy!