Scholarship para sa anak ng OFW

ISANG pagbati para sa mga bumubuo ng inyong pahayagan. Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Isa pong OFW ang aking ama na tatlong taon na nagtatrabaho sa Saudi Arabia pero dahil sa lima kaming magkakapatid ay hindi kami kayang pag-aralin lahat. Ang sabi ko sa nanay ko ay hihinto muna ako at magtatrabaho muna pero hirap po talagang makahanap ng trabaho lalo na kung wala kang natapos na kurso.

Ako po ay nakapagtapos ng high school noon pang 2015 at honor student naman.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa ako nakakapag-aral sa kolehiyo dahil maliit lamang ang sweldo ng aking tatay sa Saudi Arabia. Nabalitaan ko po ang tungkol sa scholarship program ng OWWA.

Gusto ko lang po na itanong kung paano i-avail ang scholarship na ito para makapag-aral na ako sa kolehiyo na matagal ko na po na pinapa-ngarap. Sana sa pama-magitan po ng Aksyon Line ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

Clara Manaloto
Blk 18 lot 23 Gold Ave, Maryhomes
Molino Cavite

REPLY: Ms. Manaloto, salamat sa iyong pagliham sa pamamagitan ng column na Aksyon Line ng Inquirer Bandera. Base sa iyong katanungan, nag-aalok ng Scholarship ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga anak at kapatid ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ang programang ito ay sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program o EDSP at the Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP.

Bukas sa lahat ng mga anak at kapatid ng OFWs ang scholarship program, kung saan kailangan lamang nilang kumuha ng qualifying examination, at dapat may good moral at school record standing.

Ang mapalad namang makakapasa sa scholarship program ay maaa-ring kumuha ng 4-5 year bachelor course sa anumang kolehiyo o unibersidad na accredited ng CHED at makakatanggap ng benipisyong P60,000 sa kada School Year.

Advocacy and Social Marketing Division
(ASMD)
OWWA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...