DINALA ni Airport Immigration Officer Theda Grace Gumban ang kanyang aso sa NAIA Terminal 2 sa kanyang day-off.
Hinatid kasi ni Gumban ang kanyang boyfriend na patungong Iloilo.
Habang siya at ang kanyang boyfriend ay naglalandian, hinabol at kinagat ng aso ang isang 6-taong gulang na batang babae sa pigi.
Sa halip na aluin ang bata na nagsisisigaw sa takot, pinabayaan ni Gumban ito at patay-malisya siya sa mga magulang na nagagalit.
Ang bata at kanyang mga magulang ay patungong Japan kung saan sila nagtatrabaho.
“Gasgas lang yan, wala namang dugo,” sabi pa ni Gumban.
Nangyari ang insidente noong Aug. 30 pa.
Ang mga lolo’t lola ng bata, na sina Neri at Rowena Duque, ay nagsampa ng kasong administratibo laban kay Gumban noong Nov. 7 matapos na makakuha ng special power of attorney na inisyu ng Philippine Embassy sa Tokyo.
Bago pa man isinampa ang administrative complaint, ilang beses na tinawagan ng mag-asawang Duque si Gumban sa cellphone
“Gusto lang namin na humingi siya ng patawad at bayaran ang pagpapa-gamot ng bata sa Japan, pero hindi kami pinansin,” sabi ni Neri.
Si Annette Tan, deputy chief ng administrative division ng immigration bureau, na humawak ng reklamo laban kay Gumban ay inupuan ang kaso.
Dahil sa tagal nang hindi pag-aksiyon ng immigration bureau sa kanilang reklamo, dumulog na ang mga Duque sa “Isumbong mo kay Tulfo” noong Miyerkules, Dec. 28.
Kinailangan ko pang tawagan si Immigration Commissioner Jaime Morente noong Huwebes, Dec. 29, upang humingi ng tawad si Gumban sa mga Duque.
Dapat suspindihin sa trabaho itong si Duque nang matagal na panahon at saka i-reassign sa home office.
Itong si Tan naman ay dapat ding suspindihin o i-reprimand dahil sa hindi niya pagbigay importansiya sa reklamo.
Isa sa tinuturing kong pinakamahalagang Christmas message na aking natanggap ay nanggaling sa aking kaibigang si Luisa Lamoste, isang psychic.
Ang kanyang mensahe sa Ingles:
“The favors we give away to others and the blessings we share are like boomerangs.
“They come back as favors and blessings some other day, and in some other ways.
“It’s heaven’s way of giving rewards to those who share with unselfish hearts.
“Keep on sharing especially to those who are victims of injustice and discomforts in life.
“Keep on loving this Holiday Season and for the rest of your life.”
How true!
Ang mga magagandang ginagawa natin sa ating kapwa ay babalik sa atin.
At ang masamang ginawa natin sa ating kapwa ay babalik din sa atin.
‘Yan ay batas ng Sanlibutan.
Kung lahat ng tao sa mundo ay susunod sa Batas ng Karma—kung ano ang iyong tinanim, siya mo ring
Hindi na kailangan ang relihiyon.