UMABOT na sa mahigit 100 ang mga biktima ng paputok, ayon kay Department of Health assistant secretary at spokesperson Dr. Eric Tayag.
Idinagdag ni Tayag na ganap na alas-6 ng umaga ngayong araw, nakapagtala na ng 115 nasabugan ng mga paputok at isang kaso ng nakalulon nito.
Sa kabuuang 115 biktima, 108 ay mga lalaki na may edad 3 hanggang 62 taon; 78 porsiyento o 89 ay batang may edad 14 pababa; 69 ang nasabugan dahil sa piccolo at 21 ang nagtamo ng pinsala sa mata.
Kalahati ng mga kaso o 63 ay mula sa National Capital Region (NCR).
Iginiit naman ni Tayag na mas mababa pa rin ito ng 38 porsiyento kumpara sa 187 biktima sa kaparehong panahon.
MOST READ
LATEST STORIES