ANG pagbabago ng tao, lalo na sa 2017, ay paninindigan, kalakip ang pagputol sa di mabubuti. Ang pagputol ay may kalakip na sakit, pagtitiis at pagpapakasakit. Iyan ang Ebanghelyo (Is 11:1-10; Slm 72; Mt 3:1-12) sa ikalawang linggo ng Adbiyento.
Napakahirap limiin ang Pagninilay ng Ebanghelyo ni San Mateo. Para sa militanteng mga pari ng Diocese of Malolos, mahirap sundin ang New Year’s resolutions. Sino ang makatatagal sa pagbabata ng sakit, pagtitiis at pagpapakasakit? Mas masarap ang mali sa mabulay ang paniniwala.
Sa Enero 3, uumpisahan na raw ng Dilaw na pabagsakin si Digong. Tanga ba ang mga dilaw (kunsabagay, di lang tanga, tamad pa)? Napakahabang panahon na naging mayor si Digong sa Davao. Walang nagbalak na siya’y pabagsakin. Baka maubos ang kanilang pamilya. Yung nagbalak na siya’y palitan, nabigo.
Mas marami namang nagawa si Digong kesa Noynoy. Pero, bakit sablay pa rin si Digong sa “creating jobs, building infrastructure, efficient agriculture, food sufficiency, strengthening educational system, access to health care of the poor and the indigenous, collecting more taxes, narco-politicos?”
Kasi, tila ipinapahamak ng kanyang bunganga si Digong (2016). Tapat ang puso ni Digong sa pagpasok ng 2017. Pero, ipinahihiya siya ng kanyang bunganga. Marahil, kailangan nang itatag ni Digong ang DIC (Department of Interpretation and Clarification). Sa dami ng nagpapaliwanag at sumasalag sa bawat sablay ng kanyang bunganga, lalo lamang nagugulo ang tabakuhan.
Sa pamamagitan ng DIC, sasabihin nito kung kailan seryoso si Digong (2017), o nagyayabang lang, o tapat sa kanyang tungkulin. Bago magpasko, nag-text ang isang beteranong peryodista sa Cebu mula sa angkang Durano, ang ugat ni Digong. Mismong siya ay nagulantang nang tila kinakausap na ni Digong ang kanyang sarili. Nagtataka siya kung bakit parating galit si Digong at napapabayaan na ang mahihirap.
Kung hanggang 2017 ay mananatiling mayabang at arogante si Digong, tiyak wala siyang magandang balitang ihahayag. Wala nang maniniwalang “I will kill you, I will kill you,” dahil buhay pa ang mga narco-politicos na kanyang inihayag sa listahang di pa inihahayag sa media. Malinaw ang balak ni Digong dito.
Marami na ang nagtatayo ng rehab facilities. Marami na nga ang tanga. Kung sila’y nakatira sa resettlement areas ng NHA at iskwater, napakaraming adik (lalaki’t babae, matanda’t bata, bakla’t tomboy). Napakaraming adik ang di na maisasalba sa rehab centers, at isa riyan ay opisyal ng QC na labas-pasok na sa gamutan.
Dapat sumama si Prospero Alcala sa kapwa Dilaw na kumokondena sa EJK, tulad ng isang napakapangit sa Senado. Kung may itinumba man sa Upper at Lower Iyam, at iba pang barangay sa Lucena, ayaw itumba ang marami pa. Maraming kamag-anak na ni Alcala ang nahuli sa droga enflagrante delicto, at di sila itinumba. Umandar sana ang tuktok.
Marami na ring pinatay ang mga nakamotor noon, na tinawag na riding-in-tamdem, sa panahon ng tamad na si Aquino. Pero, bakit hindi tinawag na extra-judicial killings ang kanilang pamamaslang? Bakit hindi rin tinawag na EJK ang pamamaslang ng mga Moro sa SAF 44? Pag kay Duterte, EJK.
Tuta ang pamasko ko sa ka-senior noong Nob. 18 sa Plaridel Bulacan. Nang dalawin ko noong Dis. 26, nawala ang kanyang constipation, insomnia, indigestion at headache. Araw-araw ay inalagaan lang niya ang tuta. Naglalakad na nang mabilis ang matanda dahil kailangan niyang sundan ang tuta.
PANALANGIN: Aba po Santa Mariang Hari. Ikaw ang pinagbubuntung-hininga namin dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ilingon mo sa amin ang mga matang mong maawain.
MULA sa bayan (0916-5401958): Noong pangulo si GMA, di niya siniraan si Erap. Si Aquino, kahit nasa ibang bansa, sinisiraan si GMA. Ngayon, dapat daw tularan si Aquino, anang Dilaw. Dapat ngang tularan ang Atenista. ……8674
Parati ninyong binabanggit si Fr. Mar Ladra, ng Diocese of Malolos. Saan po ba siya matatagpuan? …1690 (Tugon: sa parokya ng Pulilan, Bulacan. May healing Mass siya tuwing Martes (6 a.m., at 5:30 p.m., at minsan sa isang buwan ay sa National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.