May asawa na ang BF | Bandera

May asawa na ang BF

Joseph Greenfield - December 30, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Kathy ng Catbangen, San Fernando, La Union
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon, ang problema ay may asawa na po siya. Pero sabi niya sa akin ay papakasalan niya raw ako kapag nag-divorce na sila ng asawa niya at kapag nagkahiwalay na sila. At sabi niya pa sa akin ay handa raw siyang iwanan ang kanyang asawa para magsama na kami. Noong una ang akala ko ay binata siya, pero nang may nangyari na sa amin at naramdaman niyang mahal na mahal ko na siya ay ipinagtapat niya na may asawa at pamilya na siya. Ang tanong ko lang po ngayon ay kahit kaya may asawa siya ay may pag-asa kayang kami pa rin ang magsasama habangbuhay pagdating ng panahon? At tutuparin kaya niya ang kanyang pangako na hihiwalayan niya ang kanyang asawa upang kami na raw ang magsama habang buhay. Kung hindi siya, may darating pa kayang ibang lalaki na pakakasalan ako at makakasama ko habang buhay? ? October 13, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Kathy ng La Union
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Nagkabilog ang unang bahagi ng iyong Heart Line (Illustration 2-2 arrow 2.), pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow 3.) at kinakitaan ka rin ng kaisa-isang Marriage Line (arrow 1.). Ibig sabihin, sa ngayon ay kabiguan at kalungkutan sa pag-ibig ang iyong mapapala ngunit sa susunod na taong 2017 hanggang 2018, unti-unti ka nang liligaya.
Cartomancy:
Jack of Spades, Jack of Clubs at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa ngayon ay tunay ngang niloloko at iniisahan ka lang ng boyfriend mong may asawa na. Sa bandang huli ay maiisip mo ring hindi talaga tama na makisama sa kanya, sa panahong iyon sa darating na taong 2017, kusa nang lulutang ang isang lalaking binata na manliligaw sa iyo at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending