INIULAT ng Agence France Press na isang Pinay ay nahatulan ng 10 taong pagkabilanggo sa Kuwait dahil sa pagsanib niya sa Islamic State jihadist at pagplano ng terror attacks.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na chine-check pa ang ulat ng pagsintensiya sa Pinay.
Bakit hindi alam ng DFA ang sinapit ng kababayan natin?
Bakit hindi inireport ng Philippine embassy sa Kuwait ang pag-aresto, paglitis at paghatol sa Pinay?
Dapat ay tanggalin na ang ambassador natin sa Kuwait na si Waleed Ahmad Al-Kandari dahil natutulog ito sa pansitan.
From where I sit, parang halos lahat ng ating ambassador sa Middle East na Muslim ay natutulog sa kanilang puwesto.
Parang ang tinitingnan lang nila ay kapakanan ng mga overseas Filipino workers o OFW na kapwa nila Muslim.
Baka nakakalimutan nila na dapat ay pagsilbihan nila ang lahat ng OFW, maging Muslim man sila o ibang relihiyon.
Ang mga ambassador at ibang diplomatic officials sa Middle East na Muslim ay dapat i-recall sa home office at palitan ng hindi Muslim.
Hindi dapat maging exclusive domain ng mga Muslim ambassador ang Middle East assignment.
Maraming taon na rin ang nakararaan nang ipinadala natin sa isang bansa sa Middle East ang isang Muslim ambassador.
Inabuso ng ambassador ang kanyang diplomatic privilege nang nag-smuggle siya ng alak at ipinagbili ang agua de pataranta sa mga manggagawang Pinoy doon.
Napahiya ang ating bansa nang nadiskubre ng host country ang pinanggalingan ng alak matapos madakip ang ilang Pinoy na pinagbilhan nito.
Sa totoo lang, karamihan ng ambassador at diplomatic personnel sa Middle East na Muslim ay hindi tinutulungan ang mga Pinoy na nagkakaproblema sa mga bansang Arabo.
At kung minsan nga ay pinagbubugaw ng mga ito ang mga pobreng babaeng OFW.
O hindi man ay sila na mismo ang kumakalantari sa mga pobreng domestic helpers na lumayas sa kanilang amo.
Nahaharap sa kasong graft ang dating Maguindanao congressman na si Simeon Datumanong dahil sa diumano’y maling paggamit ng kanyang pork barrel funds noong 2012.
Ang Office of the Ombudsman ang nagsampa ng kasong graft kay Datumanong, na naging secretary of justice noong administrasyon ni Pangulong Gloria.
Dapat ay naging maingat si Datumanong sa iligal na paggamit ng kanyang pork barrel dahil siya’y dating justice secretary.
Nakialam na si Pangulong Digong sa gusot sa Subic Bay Freeport nang hirangin niya ang bagong administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.
Ang bagong administrator ay si Wilma Eisma, dating public affairs head ng isang tobacco company.
Sa pagkakahirang kay Eisma, may pinahiya si Digong – si SBMA Chairman Martin Diño na kinuha rin ang puwesto ng SBMA administrator.
Ayaw kasing sundin ni Diño ang utos ni Executive Secretary Bingbong Medialdea na bumaba sa puwesto ng SBMA administrator.
Nagmalabis si Diño dahil akala niya ay kakampihan siya ni Mano Digong.
Si Diño kasi ang nag-stand in para kay Mano Digong nang siya’y nag-file ng original certificate of candidacy for president upang mag-beat ang deadline.
Inakala ni Diño na bagyo ang lakas niya sa Presidente dahil sa ginawa niyang pabor kay Mano Digong.
Para sa isang dating barangay kapitan, hindi nakuntento si Diño sa puwestong ibinigay sa kanya at bagkus ay nalasing sa kapangyarihan at gusto pang kunin ang puwestong hindi sa kanya.
Dapat natuto si Diño sa nangyari kay Pastor Apollo Quiboloy na kaibigan ng pangulo na naging abusado rin.
Akala ni Quiboloy na dahil pinahiram niya si Digong ng helicopter at jet noong kampanya ay puwede na siyang labas masok sa opisina ng bagong President-elect.
Gusto kasi ni Quiboloy na iappoint ni Digong ang kanyang mga bata sa matataas na puwesto.
Nang hindi siya mapagbigyan na makausap ang bagong hirang na Pangulo dahil ito’y bising-bisi sa pagtanggap sa libu-libong bisita, naghimutok si Quiboloy.
Pumunta ang pastor sa media at ibinuhos niya ang kanyang sama ng loob kay Digong.
Dahil sa maliit na bagay ay itinapon ni Quiboloy ang matagal nilang pagiging magkaiabigan ni Digong.