Ate Guy binigyan ng bagong korona: Tinawag na first day-last day queen

nora aunor

ISANG pamosong direktor ang nakakuwentuhan namin nu’ng isang araw. Ang naging kapalaran ng pelikula ni Nora Aunor sa MMFF ang natutukan naming paksa.

Nalulungkot si direk dahil dapat daw ay hindi dinadanas ng Superstar ang ganito kung nag-iingat lang siya sa kanyang karera.

Ang komento ni directed by, “Walang masama sa paggawa ng mga indie movies, hindi naman kasi patakbuhin ang mga pelikulang ginagawa niya. Maayos naman ang istorya, nabibigyan niya naman ng justice, pero sana, e, hinay-hinay lang.

“Gawa kasi siya nang gawa, hindi siya marunong mag-schedule, huwag naman sana niyang dalasan para may element of surprise, di ba? Sorry to say, pero papasok sa argumento ko si Congresswoman Vilma Santos.

“Magaling siya sa interval, may plano ang paggawa niya ng movies. Once a year lang, kundi niya kayang tanggihan ang material at kaya naman ng schedule niya, e, puwedeng maging two movies a year siya.

“‘Yun ang wala kay Nora. Kapag may nag-alok sa kanya, sunggab na agad siya, go na agad, hindi niya inaalala na kapapalabas pa lang ng movie niya

“Kaya ganyan ang nangyayari sa mga pelikula niya, hindi gaanong tinatao, nasasabihan tuloy siyang First Day-Last Day Queen. Hindi ‘yun dapat ikambal sa isang Superstar na tulad niya,” mapuntong pananaw ni direk.

Read more...