Maine sa walang-awang mga bashers: Keber, dedma lang!

maine mendoza

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nasasanay ang pamilya ni Maine Mendoza sa buhay-showbiz ng phenomenal star ng Kalyeserye sa Eat Bulaga.

Ayon sa dalaga, naa-amaze pa rin daw ang kanyang mga magulang at kapatid kapag may mga taong lumalapit at nagpapa-picture sa kanya. Hindi pa rin daw sila makapaniwala until now na TV host at artista na siya.

“Yung parents ko po, hindi pa talaga. Kasi, every time na aalis po kami, magmu-mall, ganyan, pupunta sa public place, parang naa-amaze pa rin talaga.

“Lalo na yung tatay ko, kahit one year na po nakalipas, parang bagung-bago pa rin po,” ang sabi ni Maine sa ikatlong bahagi ng one-on-one online interview ni Kris Aquino kay Maine sa kanyang Facebook blog.

Inamin naman ng ka-loveteam ni Alden Richards na hindi niya nakikita ang kanyang sarili na nasa showbiz pa rin 10 or 20 years from now.

“Honestly, feeling ko po, baka hindi. Parang feeling ko po kasi, hahanapin ko rin po yung normal na buhay. Yung buhay ko po before na ganito.

“Tahimik lang, hindi napapansin ng tao. Yung parang ganun lang po. Basta yung buhay ko po before ako pumasok dito,” esplika ni Yaya Dub.

Nang tanungin naman ni Kris kung paano niya hina-handle ngayon ang mga netizen na puro pangnenega ang ginagawa sa kanya at kay Alden, ang tanging naisagot ng dalaga, “Keber lang. Deadma lang.”

Ayon pa kay Maine, hanggang ngayon ay hindi niya ipinapasok sa kanyang isip ang salitang kasikatan, basta ine-enjoy lang daw niya kung anong meron siya ngayon. Very grateful din siya sa mga Dabarkads all over the universe na patuloy ang suporta sa AlDub.

“Ayoko pong isipin yung nangyayari sa akin ngayon. Kasi feeling ko, yun din yung isa sa mga factors kung bakit hindi po umaakyat sa ulo ko yung nangyayari.

“Parang just go with the flow lang po ako sa nangyayari. Ine-enjoy ko lang po lahat. Kasi, hindi naniniwala yung mga tao kapag sinasabi kong hindi pa nagsi-sink in (na sikat na ),” aniya pa.

Mensahe naman ni Maine sa milyun-milyong miyembro ng AlDub Nation, “Thank you kasi naniniwala nga kayo sa akin, kahit ako hindi. Thank you dahil nandiyan kayo lagi for me and Alden.

“And salamat lang sa suporta and sa pagmamahal na maski yung sarili ko, pinagkakaitan ko. So, thank you guys for the love and support,” ani Yaya Dub.

Kasama ang launching teleserye nila ni Alden na Destined To Be Yours sa mga unang pasabog ng GMA sa 2017 kaya siguradong ngayon pa lang ay atat na atat na ang kanilang mga fans na mapanood ito.

Read more...