Limang barangay sa tatlong bayan ng lalawigan ng Apayao ang binaha dahil sa mga pag-ulang dala ng amihan, ayon sa mga otoridad.
Labing-siyam pamilya na binubuo ng 61 katao ang lumikas na dahil sa baha sa Brgy. Dagupan, bayan ng Luna, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense Cordillera.
Ito’y matapos na umapaw ang Shalom Creek, na nandoon sa barangay. May mga pasahero at motorista ring na-strand at kinailangang sunduin dahil sa pagbaha.
Bukod sa naturang lugar, binaha rin ang Brgys. Aninipan at Sta. Maria sa bayan ng Flora, at Brgys. San Juan at Consuelo sa bayan ng Sta. Marcela, ayon sa ulat.
Dahil din sa pag-ulan, tumaas ang lebel ng tubig sa apat na ilog sa mga bayan ng Luna at Conner, pati sa Swan Dam na nasa bayan ng Pudtol.
May mga naitala na ring landslide sa Apayao, ayon sa OCD Cordillera.
MOST READ
LATEST STORIES