‘Babae Sa Septic Tank 2’ ni Uge madaldal, maingay pero nakakatawa

eugene domingo

KAHIT naiingayan at sobrang daldal para sa amin ang “Babae Sa Septic Tank 2” ni Eugene Domingo, bongga pa rin ang appeal nito sa masa.

In fact, mas glossy at na-meet nito ang requirement ng istorya tungkol sa rom-com o mga hugot movies kumpara sa unang version nito na “poverty” ek-ek ang peg.

Natagalan lang kami sa sobrang pasosyal na “spa” session ng mga bida while discussing the supposedly project na gagawin ni Eugene, na siyempre pa ay inayawan ng direktor nitong si Kean Cipriano, na sa story ay nagri-represent ng non-conventional filmmaker na “hindi sold out” sa mga formula movies.

Sa totoo lang, dapat na mapansin ang acting dito ni Kean na malalim nang mag-interpret ng kanyang karakter.

Pero huwag din sana nilang kalimutan ang “brilliant moments” nina Jericho Rosales at Joel Torre sa movie. Take note, kinanta ng buo ni Uge ang “Forever is Not Enough” ni Sarah Geronimo while playing the ukelele.

Napakahusay ni Uge sa mga English and Spanish dialogues niya, pero iba siya talagang mag-deliver ng mahahabang Tagalog lines with matching body acting.

Hindi namin makakalimutan ang “rectum-colon churvah” scene nila nina Kean (ang ganda pala ng katawan nito! Ha-hahahaha!) at ang bonggang ending siyempre kung saan “related” ang septic tank. Ha-hahahahaha!

q q q

Wish talaga naming mapanood ang lahat ng entries kahit man lang bago mag-New Year.

Kung noong Dec. 25 ay medyo matumal ang gross sa takilya ng mga entries, lumakas at bumawi naman ito on its second day and until we meet the press, certified big hit ang “Die Beautiful” na nangunguna sa race, followed by “Ang Babae Sa Septic Tank 2”, “Vince & Kath & James” at “Seklusyon.”

Balitang na-implement na noong third day (Dec. 27) ang 30% discount para sa mga PWDs, students at senior citizens.

But still, nasa prerogative pa rin daw ito ng mga producer kung papayag sila. Basta ang mga sinehan daw ay may sistema na kung paano ipatutupad ang discounted rate.

Basta ang mahalaga ngayon, nagiging maganda na ang takbo ng MMFF 2016.

Read more...