AMONG the 2016 MMMF entries that we saw during its first two-day-run, ay tuwang-tuwa kami sa “Vince & Kath & James at sa “Ang Babae Sa Spetic Tank 2.”
Yun kasi ang mga pelikula kung saan puwede naming isama ang aming anak at mga inaanak na below 13 years old kaya’t kahit trip na trip naming pumila sa “Die Beautiful” at “Seklusyon”, lotlot (read: talo) kami sa botohan dahil sa mga kasama naming bata! Ha-hahahaha!
So, totoo nga ang tsika na mas nauunang panoorin ng mga bata ang movies para sa kanila at obligado nga silang samahan ng mga gaya namin! Ha-hahahaha.
Pero dahil hindi nila masyadong knows si Rhian Ramos, whose entry “Saving Sally” has a PG rating eh, hindi namin nakumbinsi ang mga bagets na panoorin ang nasabing movie.
q q q
Ang lakas ng screen presence ng Hashtag member na si Ronnie Alonte sa “Vince & Kath & James”, pero
tinalbugan pa rin siya ng natural at makatotohanang akting ng isa pang magaling na Kapamilya teen actor, si Joshua Garcia.
Hindi naman masama na mag-expect ng acting award ang bagets, pero kahit hindi pa namin napapanood ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros, alam naming lalamunin siya (at ng iba pang nominees) sa best actor category) nito sa departamento ng aktingan.
Noon pa naman namin nakikitaan ng magandang future si Julia Barretto sa pag-arte dahil likas din ang husay nito bukod pa sa napakaganda niyang talaga.
Sana nga ay maging major star na si Julia come 2017 dahil mas maganda at very refreshing version siya ni Claudine Barretto. At masasabi rin namin sinuwerte ang movie niya sa filmfest dahil sa pakikipag-ayos niya sa kanyang amang si Dennis Padilla, good karma kumbaga.
Very millennial o napapanahon ang nasabing MMFF entry ng Star Cinema at kahit kami rin ay kinikilig sa mga simpleng pagbungisngis ng aming mga pamangkin na relate na relate sa kuwento nina Vince, Kath at James.
If this kind of trend will continue, well, ganito na nga siguro ang magiging major theme ng mga teen movies natin next year.