30% discount para sa MMFF ‘bottom 4’ ipinatupad na

viber image

NON-STOP changes ang ginagawa sa regulasyon ngayon ng 2016 Metro Manila Film Festival, huh!
Pinigilan na ang MMFF Executive Committee ang paglabas ng figures kaugnay ng kinita ng walong entries ngayong filmfest. Ang Top 4 na lang ang inihayag nila sa inilabas na official statement. So alam na ng lahat ang Lowest 4.

Siyempre, kuntento na sila. Eh, ang may-ari ng sinehan, kuntento rin ba?

At ito pa ang isang pagbabago. Nagsimula kahapon ang pagbibigay ng 30% discount sa ticket prices para sa entries na “Saving Sally”, “Oro”, “Kabisera” at “Sunday Beauty Queen”. Ang apat na nabanggit na mga entry ang mahihina sa takilya.

Magaganda man ang feedback, hindi pa rin mapuwersa ang moviegoers na tangkilin ito to the max! Ang 30% discount sa tickets ay upang ma-accommodate ang students, senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na gustong manood sa pelikula.

Fair? Of course not! Dapat applicable sa lahat ng entries ang bagong patakaran na ito!

Read more...